Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 115

Gawin Nating Matagumpay ang Ating Lakad

Gawin Nating Matagumpay ang Ating Lakad

(Josue 1:8)

1. Mahalin Salita ng Diyos

At laging basahin.

Bigkasin nating pabulong;

Pag-isipa’t sundin.

Gagabay sa ating hakbang

At isipan natin.

(KORO)

Basahin at ating sundin.

Pagpapala’y kamtin.

Araw-araw kasama’y Diyos.

Tagumpay ay lubos.

2. Mga hari sa Israel,

Tumanggap ng utos:

‘Isusulat niya ang mga

Kautusan ng Diyos.

Upang ’di siya magkamali,

Laging babasahin.’

(KORO)

Basahin at ating sundin.

Pagpapala’y kamtin.

Araw-araw kasama’y Diyos.

Tagumpay ay lubos.

3. Habang ating binabasa,

Tayo’y may pag-asa.

Ang naguguluhang puso

Ay pumapayapa.

Kung ito’y ating dibdibin,

Tayo’y susulong din.

(KORO)

Basahin at ating sundin.

Pagpapala’y kamtin.

Araw-araw kasama’y Diyos.

Tagumpay ay lubos.