Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 48

Lumakad Araw-araw Kasama si Jehova

Lumakad Araw-araw Kasama si Jehova

(Mikas 6:8)

1. Lumakad sa araw-araw,

Nakahawak sa ating Ama.

’Di na sana nararapat

Kabaitang ’ginagawad niya!

Naglaan ang Diyos sa atin

Nang kamay niya’y matangnan.

At sa ating pag-aalay,

Kay Jehova manindigan.

2. Panahon ngayon ng hatol

Sa sistema na magwawakas.

Daranas ng pagsalansang,

Ingat at baka madupilas.

Ngunit nariyan si Jehova,

Proteksiyo’y ibibigay.

Ibigin natin siyang tunay,

Paglingkuran habang-buhay.

3. Naglaan ang Diyos ng tulong,

Kanyang ’spiritu at Bibliya rin,

Ang Kristiyanong kongregasyon,

Panalanging tiyak na diringgin.

Kasama siya sa paglakad,

Tama ang siyang gagawin.

Kabaita’y tutularan

At lalakad nang mahinhin.

(Tingnan din ang Gen. 5:24; 6:9; 1 Hari 2:3, 4.)