Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 12

Ang Buhay na Walang Hanggan ay Ipinangako

Ang Buhay na Walang Hanggan ay Ipinangako

(Awit 37:29)

1. Ipinangako sa atin,

Buhay na walang hanggan.

Maamo’y mananatili

Sa lupa’y tatahan.

(KORO)

Walang-hanggang buhay,

Pagsikapang tunay.

Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.

2. Matatamo kasakdalan;

Lahat mapapalaya.

Sa patnubay ni Jehova,

Lupa ay payapa.

(KORO)

Walang-hanggang buhay,

Pagsikapang tunay.

Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.

3. Sa pagkabuhay-muli ang

Lungkot ay papawiin.

Sa pag-ibig ni Jehova,

Luha’y papahirin.

(KORO)

Walang-hanggang buhay,

Pagsikapang tunay.

Tapat ang pangako,

’Di mabibigo.