Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 73

Umibig Nang Masidhi Mula sa Puso

Umibig Nang Masidhi Mula sa Puso

(1 Pedro 1:22)

1. Pag-ibig ay bumubukal

Sa puso na nagmamahal;

Nagpapakita ng dangal

Sa ating kapatid.

Ating ipinadarama,

Pag-ibig nang buong laya,

Buhat sa Diyos ipakita,

Pag-ibig itawid.

Ipamalas sa gawa,

Magbigay ng tulong sa dukha,

Kabutiha’y manguna

Bawat pagkakataon.

Karangala’y ipadama;

Magmalasakit sa iba.

Kahinaa’y huwag ibadya.

Tayo ay maging tapat

Sa lahat ng panahon.

2. Kung pag-ibig ay masidhi,

Ito’y naghuhunos-dili;

Nagtitiwala nga lagi

Sa ’ting kapatiran.

Mga kaibigang tapat,

Pahalagahan nga dapat.

Nagtitipon tayong lahat,

Nagpapatibayan.

Tayo’y nagkakamali;

Nasasaktan ang iba lagi.

Pag-ibig huwag ikubli

Sa iniibig ni Jah.

Maging matapat sa iba,

Ugnaya’y patibayin pa.

Hayaang makilala ka

Sa tunay na pag-ibig,

Pag-ibig ni Jehova.