Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 52

Ingatan Mo ang Iyong Puso

Ingatan Mo ang Iyong Puso

(Kawikaan 4:23)

1. Puso mo ay ’yong ingatan

Na huwag magkasala.

Katauhan mo’y naroon,

Diyos ang bumabasa.

Minsan ito’y nandaraya

At nais lumihis.

Kaya’t labanan ng isip,

At maging malinis.

2. Diyos ay hanapin ng puso

Sa pananalangin.

Pumuri, magpasalamat;

Ibuhos hinaing.

Mga turo ni Jehova

Dapat nating sundin.

Puso na matapat sa Diyos,

Kailangang linangin.

3. Huwag mag-isip ng masama;

Magpako sa matwid.

Hayaang Salita ng Diyos

Sa puso’y magtuwid.

Iniibig ni Jehova

Tapat na lingkod niya.

Buong-puso siyang sambahin

Bilang kaibigan niya.