Awit 82
Tularan ang Kahinahunan ni Kristo
1. Pinakadakilang tao si Kristo;
Pagmamapuri’y hindi siya nasilo.
Gumaganap siya ng dakilang atas,
Ngunit puso niya’y hindi nagmataas.
2. Lahat kayong mga nabibigatan,
Pamatok niya’y dalhin; ito’y magaan.
Ginhawa ang dulot ng Kaharian.
Kay Kristo, mahinaho’y kinalugdan.
3. ‘Kayo’y magkakapatid,’ ang sabi niya.
Huwag mong isiping nakatataas ka.
Mahinaho’y kinalulugdan ng Diyos;
Lupa’y kanilang mamanahing lubos.
(Tingnan din ang Mat. 5:5; 23:8; Kaw. 3:34; Roma 12:16.)