Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 70

‘Tiyakin ang mga Bagay na Higit na Mahalaga’

‘Tiyakin ang mga Bagay na Higit na Mahalaga’

(Filipos 1:10)

1. Kaunawaan ay kailangan

Upang ating alamin,

Ang bagay na mas mahalaga na

Marapat nating sundin!

Kabutihan Ay ibigin.

Puso ng Diyos,

Pagalakin natin at tandaan,

Manalangin.

Bagay na mahalaga’y gawin.

2. Wala nang mas mahalaga kaysa

Balita ng Kaharian,

Pag-akay sa nawawalang tupa

Piliin tamang daan.

Iparinig, Ipaalam,

Ipadama,

Pag-ibig sa kapwa; tumulong ka

Sa paglaya!

Pangangaral ay mahalaga.

3. Kung gagawin ang mahalaga tiyak

Na tayo ay titibay.

Isip nati’y magiging payapa,

Pag-asa’y ating gabay.

Kaibigan, Makakamtan.

Pagpapala

Dulot nito, at ’pag natutuhan,

At gampanan,

Ang mga mahalagang bagay.