Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 25

Katunayan ng Pagkaalagad

Katunayan ng Pagkaalagad

(Juan 13:34, 35)

1. May utos na dapat ngang sundin

Bilang Kristiyanong taimtim.

Iyan ay buhat sa kalangitan,

Tulad-Kristong katangian.

Dahil sa pag-ibig ni Kristo,

Nagdusa para sa tao.

Kung tutularan halimbawa niya,

Tayo’y mga Kristiyano nga.

2. Pag-ibig na ’di nagmamaliw,

Mahihina’y inaaliw.

Utang itong dapat bayaran;

Maglingkod may kaluguran.

Dito lang nga masusumpungan

Tunay na magkakaibigan.

Ito’y matibay na bigkis natin;

Daan ng pag-ibig sundin.