Awit 86
Tapat na mga Kapatid na Babae
1. Sara at Esther, Maria, Ruth, iba pa—
Matapat at may kakayahan sila.
Makadiyos na debosyon ’pinakita.
Mahuhusay na babaing kilala.
Iba pa’y mahal din ni Jehova,
’Di kilala ngunit matapat din sila.
2. Katapatan, pag-ibig, kabaitan,
Mga katangian na taglay nila.
Katangiang ating naaalala.
Mga halimbawang dapat na sundin.
Ang tutulad sa ganyang hakbangin,
Karapat-dapat nga at maligaya rin.
3. Mga ina, anak, asawa’t balo,
Atas ginagawa nang maligaya.
Mahinhin at mapagpasakop sila;
Nasa kanila pagsang-ayon ng Diyos.
Nawa ay lagi kayong ingatan,
Magpakatatag, pagpapalaing lubos.
(Tingnan din ang Fil. 4:3; 1 Tim. 2:9, 10; 1 Ped. 3:4, 5.)