Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 109

Ibunyi Panganay ni Jehova!

Ibunyi Panganay ni Jehova!

(Hebreo 1:6)

1. Ipagbunyi natin,

Panganay ni Jehova.

Hari ng katarungan;

Dulot ay pagpapala.

Taglay na karilagan

At pag-ibig kay Jah,

Ipagbabangong-puri

Kanyang soberanya.

(KORO)

Sa panganay ng Diyos,

Iukol ang papuri!

Sa Bundok Sion ’niluklok,

Nagsimulang maghari!

2. Ibunyi si Kristo,

Para sa ’tin namatay.

Tayo ay tinubos niya

Upang tayo’y mabuhay.

Ang kanyang kasintahan,

Gayak nito’y puti.

Kasal nila’y patunay,

Diyos dapat maghari.

(KORO)

Sa panganay ng Diyos,

Iukol ang papuri!

Sa Bundok Sion ’niluklok,

Nagsimulang maghari!

(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:3, 4; Apoc. 19:8.)