Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 88

Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos

Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos

(Awit 127:3-5)

1. ’Pag ama na ang lalaki

At asawa niya’y isa nang ina,

Sila’y pinagkatiwalaan,

Kaloob na mahalaga.

Buhat sa Diyos na si Jehova;

Bukal ng buhay at ng pag-ibig.

Patnubay para sa magulang,

Sa kanya lang dapat sumandig.

(KORO)

Sagrado na pananagutan;

Buhay ang nasa ’yong kamay.

Inyong anak dapat turuan;

Utos ng Diyos, gawing gabay.

2. Mga utos ni Jehova—

Panatilihin sa puso ninyo.

At sa anak ay ituturo;

Pananagutan n’yo ito.

Salitain sa ’yong paglakad,

Sa pagbangon, sa pagpapahinga.

Nawa sila’y maging tapat nga

At tumanggap ng pagpapala.

(KORO)

Sagrado na pananagutan;

Buhay ang nasa ’yong kamay.

Inyong anak dapat turuan;

Utos ng Diyos, gawing gabay.