Awit 40
Patuloy na Unahin ang Kaharian
1. Natatangi kay Jehova,
Paghahari ni Kristo.
Sa Kanya ay kagalakan,
Lahat ay mababago.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At sa Diyos na katwiran.
Awitan siya ng papuri,
Matapat paglingkuran.
2. Bakit ba mababalisa
Kung ano ang kakanin?
’Pagkat Diyos maglalaan nga,
Kung Kaharia’y unahin.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At sa Diyos na katwiran.
Awitan siya ng papuri,
Matapat paglingkuran.
3. Ihayag ang Kaharian;
Tulungan mga tupa
Magtiwala kay Jehova
At sa kanyang Teokrasya.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At sa Diyos na katwiran.
Awitan siya ng papuri,
Matapat paglingkuran.
(Tingnan din ang Awit 27:14; Mat. 6:34; 10:11, 13; 1 Ped. 1:21.)