Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 81

‘Bigyan Mo Kami ng Higit na Pananampalataya’

‘Bigyan Mo Kami ng Higit na Pananampalataya’

(Lucas 17:5)

1. Dahil kami ay ’di sakdal, Jehova,

Hilig ng puso nami’y masama.

Nasisilo kami ng kasalanan—

Kulang na pananampalataya.

(KORO)

Bigyang higit pananampalataya,

Ayon sa aming pangangailangan.

Ayon din sa iyong sakdal na awa,

Upang ika’y aming parangalan.

2. Kung wala ang pananampalataya,

Hindi ka namin mapalulugdan.

Dahil ito’y magsisilbing kanlungan,

Mahaharap ang kinabukasan.

(KORO)

Bigyang higit pananampalataya,

Ayon sa aming pangangailangan.

Ayon din sa iyong sakdal na awa,

Upang ika’y aming parangalan.

(Tingnan din ang Gen. 8:21; Heb. 11:6; 12:1.)