Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 127

Isang Dakong Nagtataglay ng Pangalan Mo

Isang Dakong Nagtataglay ng Pangalan Mo

(1 Cronica 29:16)

1. O Jah, kaylaking karangalan

Na magtayo sa ’yong ngalan!

Nalulugod na inaalay

Para sa ’yong kapurihan.

Anuman ang ihandog namin,

Lahat ay nanggaling sa iyo.

Lahat ng aming tinataglay,

Inaalay buong puso.

(KORO)

Handog namin dakong ito,

Naghahayag ngalan mo.

Alay namin ito sa iyo,

Tanggapin nawa ito.

2. Gusto ka naming parangalan,

Purihin sa dakong ito.

Dumami nawa mga taong

Lumuluwalhati sa iyo.

Dakong alay sa ’yong pagsamba,

Lubos na aalagaan.

Sana’y magsilbing katibayan

Sa mensahe ng Kaharian.

(KORO)

Handog namin dakong ito,

Naghahayag ngalan mo.

Alay namin ito sa iyo,

Tanggapin nawa ito.