Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 90

Kagandahan ng Ulong May Uban

Kagandahan ng Ulong May Uban

(Kawikaan 16:31)

1. May-edad naming mahal

Na nagbabata,

Naglilingkod sa ngayon

Sa ating Ama.

Katawa’y humihina,

Balo ang iba.

Jehova, huwag limutin

Na tapat sila.

(KORO)

O Ama, ’yong dinggin,

Aming dalangin.

Mga may-edad na,

’Yong patibayin.

2. Maganda ang may ubang

Nasa katwiran.

Sinasang-ayunan ang

Paglilingkuran.

Lagi nawang tandaan

No’ng sila’y bata,

Lakas inialay sa

Diyos na Jehova.

(KORO)

O Ama, ’yong dinggin,

Aming dalangin.

Mga may-edad na,

’Yong patibayin.