Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 66

Buong-Kaluluwang Maglingkod kay Jehova

Buong-Kaluluwang Maglingkod kay Jehova

(Mateo 22:37)

1. O Jehova, Soberano,

Ikaw lamang ang iibigin.

Kalooba’y gagawin ko,

Tiwala mo’y ’di bibiguin.

Mga utos mo’y susundin ko;

Anumang maging sitwasyon.

(KORO)

O Jehova sa iyo lamang,

Buo kong kalul’wang debosyon.

2. Lupa, buwan, bituin sa langit,

Kal’walhatia’y ’tinatanyag.

Sa iyo buo kong buhay;

Ngalan mo’y aking ihahayag.

Sarili ko ay inaalay

Sa iyo, walang kundisyon.

(KORO)

O Jehova sa iyo lamang,

Buo kong kalul’wang debosyon.