Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 93

“Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”

“Pasikatin Ninyo ang Inyong Liwanag”

(Mateo 5:16)

1. Utos ni Jesus ay ‘Pasikatin n’yo

Ang inyong liwanag Sa mga tao.’

Sa Banal na Bibliya, Dunong sisinag.

Sa gawa’y pasikatin Kanyang liwanag.

2. Kaharian ng Diyos, Dulot ay galak,

Hapis papawiin, Pag-asa ay tiyak.

Paggawi at asal, Bibliya ang giya;

Salitang tinimplahan, Anong inam nga!

3. Mabuting gawain, Nagliliwanag,

Sa ’ting sinasabi, Nagpapakislap.

Ang matwid na gawi Ay pasinagin,

Tiyak Diyos ay malulugod Sa ’ting gawain.