Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 80

Ang Katangian ng Kabutihan

Ang Katangian ng Kabutihan

(Awit 119:66)

1. Kabutihan ni Jehova

Ay nagpapaligaya.

Siya’y Ama natin sa langit,

Tunay na kaybuti niya.

Ang paglingap niya at awa,

Labis-labis sa atin;

Dapat lamang sambahin siya

At paglingkuran natin.

2. Sa larawan niya’y nilikha

Upang tayo’y maglinang,

Lahat ng katangian niya

At mga kabutihan.

Sumulong sa makadiyos na

Kabutihan sa kapwa.

Hilingin sa panalangin,

Bunga ng ’spiritu niya.

3. Kapananampalataya

—Ang ating kapatiran—

Sa kanila’y ipakita,

Kristiyanong kabaitan.

Habang tayo’y nangangaral

Ng pag-asa’t Kaharian,

Iwasan ang pagtatangi;

Lubusin kabutihan.