Awit 129
Manghawakang Mahigpit sa Ating Pag-asa
1. Tao’y nag-aapuhap sa kadiliman.
Sikap nila ay walang kabuluhan.
Kabiguan ng tao ay hayag na:
’Di kayang magligtas ng iba.
(KORO)
O kaysaya, Kaharia’y heto na!
Anak niya ang papawi sa pangamba.
At sa wakas, masama’y lilipas;
Pag-asang ito’y hindi magwawakas.
2. Araw ng Diyos ating ipinangangaral,
Malapit na at ’di na magtatagal.
Sangnilalang pawang palalayain.
Kata’s-taasan ay purihin.
(KORO)
O kaysaya, Kaharia’y heto na!
Anak niya ang papawi sa pangamba.
At sa wakas, masama’y lilipas;
Pag-asang ito’y hindi magwawakas.
(Tingnan din ang Hab. 1:2, 3; Awit 27:14; Joel 2:1; Roma 8:22.)