Awit 104
Papurihan si Jehova
1. Papurihan
si Jehova!
Siyang nagbigay
buhay at hininga.
Parangalan pangalan niya.
Sakdal pag-ibig, kalakasan niya.
Araw-araw purihin natin siya.
2. Papurihan
si Jehova!
Dalangin nati’y
dinirinig niya.
Mahina ay tutulungan;
Espiritu sa maamo laan.
Lakas at ngalan niya’y papurihan.
3. Papurihan
si Jehova!
Katarungan at aliw
laan niya.
Kamalia’y aayusin.
Pagpapala ay ating kakamtin.
Halika’t may galak siyang purihin!
(Tingnan din ang Awit 94:18, 19; 145:21; 147:1; 150:2.)