Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 94

Nasisiyahan sa Mabubuting Kaloob ng Diyos

Nasisiyahan sa Mabubuting Kaloob ng Diyos

(Santiago 1:17)

1. Bawat sakdal na regalo’t

Mabuting kaloob

Ay nanggaling sa ating Diyos.

Siya ang nagkaloob.

Ang Diyos hindi nagbabago,

’Di siya masisinsay.

Siya’y Dakilang Tagapaglaan,

Liwanag at buhay.

2. ’Di ka dapat mabalisa

Sa ’yong kailangan;

Ibon nga’y pinakakain,

’Di ka babayaan.

Walang-kabuluhang bagay,

Atin nang iwanan.

Sa simpleng buhay ay kontento,

May kaligayahan.

3. Karangyaan sa ’ting mata,

Sa Diyos ’di ’to pansin.

Sa mahahalagang bagay

Panaho’y gamitin.

Kayamanang ukol sa Diyos

Hindi mawawala.

Ang lihim ng kaligayahan

Nasa simpleng mata.