Awit 123
Mga Pastol—Kaloob na mga Tao
1. Naglaan si Jah ng patnubay,
Pastol na aakay.
Halimbawa nila ay gabay
Sa daan ng buhay.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Laging nagbabantay sa kawan;
Atin silang mahalin.
2. Inuunawa ang damdamin;
Sa ’ti’y maibigin.
’Pag nasaktan ay gagamutin,
Malumanay sa ’tin.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Laging nagbabantay sa kawan;
Atin silang mahalin.
3. Payo nila’y Diyos ang may bigay,
’Di tayo wawalay.
Patuloy tayong inaakay
Sa landas ng buhay.
(KORO)
Sila’y pinagkatiwalaan
Sa kongregasyon natin.
Laging nagbabantay sa kawan;
Atin silang mahalin.
(Tingnan din ang Isa. 32:1, 2; Jer. 3:15; Juan 21:15-17; Gawa 20:28.)