Awit 133
Hanapin ang Diyos Para Maligtas
1. Bansa’y nagkaisa
Laban sa Anak ni Jah.
Mga araw nila’y biláng,
Diyos hinatulan sila.
Kaharian ng Diyos;
Tagumpay malulubos.
Balakyot na mga kaaway
Si Kristo ang tatapos.
(KORO)
Diyos hanapin nang maligtas,
Sa kanya huwag kang kakalas.
Kanyang katwiran
At katapatan,
Soberanya niya’y panigan.
Masdan pagliligtas ng Diyos
Sa kanyang bayan.
2. Mabuting balita,
Tao ang magpapasiya.
Kung makinig o tumanggi,
Buhay ang nakataya.
Pagsubok harapin,
Diyos ’di ka bibiguin.
Tapat kay Jah ay iingatan;
Tawag nila’y diringgin.
(KORO)
Diyos hanapin nang maligtas,
Sa kanya huwag kang kakalas.
Kanyang katwiran
At katapatan,
Soberanya niya’y panigan.
Masdan pagliligtas ng Diyos
Sa kanyang bayan.
(Tingnan din ang 1 Sam. 2:9; Awit 2:2, 3, 9; Kaw. 2:8; Mat. 6:33.)