Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 96

Hanapin ang mga Karapat-dapat

Hanapin ang mga Karapat-dapat

(Mateo 10:11-15)

1. Itinuro ni Jesus ang paraan,

Kung paano mangangaral:

‘Saanman kayo, sikaping hanapin

Nagugutom sa espirituwal.

Lahat nga sila na karapat-dapat,

Batiing may kapayapaan.

Kapag tumanggi at ayaw makinig,

Pagpagin ang paa’t lumisan.’

2. Ang tumanggap sa iyo, tinanggap din siya.

Puso nila’y bubuksan Niya.

Wastong nakaayon sa paraiso,

Maglilingkod na kasama ka.

Huwag mabahala sa ’yong sasabihin,

Tulong ni Jehova’y kakamtin.

Kapag ang sagot mo’y may timplang asin,

Maamo ay maaakit din.

(Tingnan din ang Gawa 13:48; 16:14; Col. 4:6.)