Awit 119
Halika at Guminhawa!
1. Daigdig nati’y magulo at likô,
Daan ng Diyos ay ’di alam.
Tamang patnubay ay ating kailangan;
Puso’y huwag pagtiwalaan.
Dulot ng pulong ginhawa’t pag-asa;
Lumalalim ang tiwala.
Pinakikilos sa gawang mainam,
Pinalalakas magbata.
’Di lilimutin utos ni Jehova;
Kalooban niya’y susundin.
’Tinuturo sa pulong, tama’y gawin;
Katotohana’y ibigin.
2. Alam ni Jehova ating kailangan;
Payo niya sa ’ti’y pakinggan.
Kung maglalaan panahon sa pulong,
Susulong sa karunungan.
Sa mabuting turo ng nangunguna,
Tayo ay lalong sisigla.
Pampatibay ng mga kapatiran,
Tayo’y ’di na mag-iisa.
Galak, pag-asa’y ating pagsaluhan,
Kapiling ang kapatiran.
Dito sa mga pulong nalalaman
Makadiyos na karunungan.
(Tingnan din ang Awit 37:18; 140:1; Kaw. 18:1; Efe. 5:16; Sant. 3:17.)