Awit 134
Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay
1. Ikaw, ako, lahat tayo,
Doon sa sanlibutang binago.
O kaysarap, isipin mo,
Tumahan sa payapang mundo.
Kasamaan ay lilipas;
Gabay ng Diyos ’di magwawakas.
Sasapit na ang pagbabagong ito,
Papuri’y aawitin ng aming puso:
(KORO)
“Jehova, O Diyos, lahat nagbago!
Dahil sa pagpupuno ni Kristo.
Nag-uumapaw ang lahat naming puso,
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
2. Ikaw, ako, pagmasdan mo,
Nar’on sa sanlibutang binago.
Walang ingay, walang gulo
Ang tatakot sa mga tao.
Pangako niya, nangyari nga;
Nakalukob sa ’tin tolda niya.
Gigisingin niya ang mga namatay;
Ang kanilang tinig sa ati’y sasabay:
(KORO)
“Jehova, O Diyos, lahat nagbago!
Dahil sa pagpupuno ni Kristo.
Nag-uumapaw ang lahat naming puso,
Karangalan at papuri ay sa iyo.”
(Tingnan din ang Awit 37:10, 11; Isa. 65:17; Juan 5:28; 2 Ped. 3:13.)