Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 2

Sino ang Tunay na Diyos?

Sino ang Tunay na Diyos?

Iisa lang ang tunay na Diyos, at ang pangalan niya ay Jehova. (Awit 83:18) Nakatira siya sa langit; hindi natin siya nakikita dahil espiritu siya. Mahal niya tayo at gusto niya na mahalin din natin siya. Gusto rin niyang mahalin natin ang ibang tao. (Mateo 22:35-40) Siya ang Kataas-taasan, ang Maylalang ng lahat ng bagay.

Ang unang nilalang ng Diyos ay isang makapangyarihang espiritu na nakilala bilang si Jesu-Kristo. Nilalang din ni Jehova ang mga anghel.

Nilalang ni Jehova ang lahat ng bagay sa langit . . . at sa lupa. Apocalipsis 4:11

Nilalang ng Diyos na Jehova ang mga bituin pati na ang lupa at ang lahat ng narito.​—Genesis 1:1.

Ginawa niya si Adan, ang unang tao, mula sa alabok ng lupa.​—Genesis 2:7.