Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 6

Ano ang Matututuhan Natin sa Malaking Baha?

Ano ang Matututuhan Natin sa Malaking Baha?

Pinuksa ng Diyos ang masasama pero iniligtas niya si Noe at ang pamilya nito. Genesis 7:11, 12, 23

Umulan sa loob ng 40 araw at 40 gabi, at inapawan ng tubig ang buong lupa. Namatay ang lahat ng masasamang tao.

Bumalik sa pagiging espiritu ang mga rebeldeng anghel at naging mga demonyo.

Naligtas ang mga nasa arka. Nang maglaon, namatay si Noe at ang kaniyang pamilya, pero bubuhayin silang muli ng Diyos at may pag-asa silang mabuhay magpakailanman.

Muling aalisin ng Diyos ang masasama at ililigtas ang mabubuti. Mateo 24:37-39

Inililigaw pa rin ni Satanas at ng mga demonyo ang mga tao.

Gaya noong panahon ni Noe, marami ngayon ang ayaw makinig sa mga utos ni Jehova. Malapit nang puksain ni Jehova ang lahat ng masasama.​—2 Pedro 2:5, 6.

May mga taong gaya ni Noe. Nakikinig sila sa Diyos at sumusunod sa Kaniya; sila ang mga Saksi ni Jehova.