Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

BAHAGI 8

Paano Ka Makikinabang sa Kamatayan ni Jesus?

Paano Ka Makikinabang sa Kamatayan ni Jesus?

Namatay si Jesus para tayo ay mabuhay. Juan 3:16

Tatlong araw pagkamatay ni Jesus, may mga babaeng dumalaw sa libingan niya, pero wala na siya roon. Binuhay-muli ni Jehova si Jesus.

Nang maglaon, nagpakita si Jesus sa kaniyang mga apostol.

Binuhay-muli ni Jehova si Jesus bilang isang makapangyarihan at imortal na espiritu. Nakita ng mga alagad ni Jesus na umakyat siya sa langit.

Binuhay-muli ng Diyos si Jesus at ginawang Hari sa Kaharian ng Diyos. Daniel 7:13, 14

Ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang pantubos sa mga tao. (Mateo 20:28) Dahil sa pantubos na inilaan ng Diyos, posible tayong mabuhay magpakailanman.

Pinili ni Jehova si Jesus para maging Hari sa buong lupa. Makakasama niya ang 144,000 tapat na mga tao na bubuhaying muli bilang mga espiritu. Si Jesus at ang 144,000 ang bumubuo sa matuwid na pamahalaan sa langit—ang Kaharian ng Diyos.​—Apocalipsis 14:1-3.

Ang lupa ay gagawing paraiso ng Kaharian ng Diyos. Mawawala na ang digmaan, krimen, kahirapan, at taggutom. Ang mga tao ay talagang magiging maligaya.​—Awit 145:16.