Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mabuting Halimbawa—Timoteo

Mabuting Halimbawa—Timoteo

Mabuting Halimbawa​—Timoteo

Iiwan ni Timoteo ang pamilya niya​—hindi para takasan ang responsibilidad niya kundi para makasama ni apostol Pablo sa pagmimisyonero! Malamang na wala pa siyang 20 anyos noon pero isa na siyang responsableng lalaki na “may mabuting ulat mula sa mga kapatid sa Listra at Iconio.” (Gawa 16:2) Nagtitiwala si Pablo na malaki ang magagawa ni Timoteo sa paglilingkod sa Diyos, at hindi naman siya nabigo! Nang sumunod na mga taon, naglakbay si Timoteo sa napakaraming lugar para magtatag ng mga kongregasyon at patibayin ang mga kapatid. Dahil sa magagandang katangian ni Timoteo, napamahal siya kay Pablo. Pagkalipas ng mga 11 taon, sumulat si Pablo sa mga taga-Filipos: “Wala na akong iba pa na may saloobing katulad ng sa kaniya na tunay na magmamalasakit sa mga bagay na may kinalaman sa inyo.”​—Filipos 2:20.

Handa ka rin bang magpagamit sa Diyos? Kung oo, maraming pagpapalang naghihintay sa iyo! Pinahahalagahan ni Jehova ang mga kabataang ‘kusang-loob na naghahandog ng kanilang sarili.’ (Awit 110:3) Bukod diyan, makatitiyak ka na ang Diyos na Jehova ay “hindi liko upang limutin ang inyong gawa.”​—Hebreo 6:10.