Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kaliwa: Pinatutugtog ng isang sister sa Alabama, E.U.A., ang pahayag ni Brother Rutherford, huling bahagi ng dekada ng 1930; kanan: Switzerland

SEKSIYON 1

Katotohanan Tungkol sa Kaharian—Paglalaan ng Espirituwal na Pagkain

Katotohanan Tungkol sa Kaharian—Paglalaan ng Espirituwal na Pagkain

NAGNININGNING ang mga mata ng estudyante mo sa Bibliya habang ninanamnam niya ang kahulugan ng binasa ninyong teksto. Saka niya sinabi, “Ibig sabihin, itinuturo ng Bibliya na mabubuhay tayo sa Paraiso magpakailanman​—dito mismo sa lupa?” Napangiti ang partner mo sa ministeryo at sinabi, “Ano ba ang nabasa mo sa Bibliya?” Napapailing na sinabi ng estudyante, “Pambihira, hindi ito itinuro sa amin!” Mga ilang linggo lang ang nakararaan, naalala mong ganiyan din ang sinabi niya nang malaman niyang Jehova ang pangalan ng Diyos.

May ganiyan ka na bang karanasan? Marami sa bayan ng Diyos ang nakaranas na niyan. Ipinaaalala ng ganiyang karanasan kung gaano kahalaga ang regalong tinanggap natin​—ang kaalaman sa katotohanan! Isipin ito: Paano ka nagkaroon ng ganiyang regalo? Sa seksiyong ito, susuriin natin ang tanong na iyan. Ang unti-unting pagtanggap ng bayan ng Diyos ng espirituwal na liwanag ay malinaw na katibayan na totoo ang Kaharian ng Diyos. Sa ngayon, isang siglo nang aktibong kumikilos ang Hari nito na si Jesu-Kristo para tiyakin na itinuturo sa bayan ng Diyos ang katotohanan.

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 3

Isinisiwalat ni Jehova ang Kaniyang Layunin

Bahagi ba ng orihinal na layunin ng Diyos ang Kaharian? Paano binigyang-liwanag ni Jesus ang Kaharian?

KABANATA 4

Dinadakila ni Jehova ang Kaniyang Pangalan

Ano ang naisakatuparan ng Kaharian tungkol sa pangalan ng Diyos? Paano ka magkakaroon ng bahagi sa pagpapabanal sa pangalan ni Jehova?

KABANATA 5

Binibigyang-Liwanag ng Hari ang Kaharian

Magkaroon ng mas malinaw na pagkaunawa tungkol sa Kaharian ng Diyos, sa mga tagapamahala at sakop nito, at sa kahilingan nitong maging tapat.