Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kaliwa: Isang sister na colporteur na nangangaral sa Korea, 1931; kanan: Pangangaral sa Korea ngayon gamit ang sign language

SEKSIYON 2

Pangangaral ng Kaharian—Pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa Buong Daigdig

Pangangaral ng Kaharian—Pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa Buong Daigdig

ISANG umaga, naghahanda ka para sa ministeryo kasi wala kang pasok sa trabaho. Pero bigla kang nagdalawang-isip kasi medyo pagod ka. Parang ang sarap magpahinga! Pero nanalangin ka at nagpasiyang maglingkod. Nakapartner mo ang isang tapat na may-edad nang sister, at naantig ka sa kaniyang sigasig at kabaitan. Habang ibinabahagi ninyo sa bahay-bahay ang mensahe ng katotohanan, naisip mo ang mga kapatid sa ibang panig ng mundo​—pareho ang mensahe at mga literaturang ibinabahagi ninyo at mga pagsasanay na tinatanggap ninyo. Pag-uwi mo, ang sigla-sigla mo. Buti na lang, naglingkod ka sa larangan!

Sa ngayon, ang ministeryong Kristiyano ang pangunahing gawain ng Kaharian ng Diyos. Inihula ni Jesus na magiging napakalawak ng gawaing pangangaral sa mga huling araw. (Mat. 24:14) Paano ito natutupad? Sa seksiyong ito, tatalakayin natin ang mga tao, mga paraan, at mga pantulong na nasa likod ng tagumpay ng ministeryong Kristiyano, na tumutulong sa milyon-milyon sa buong daigdig na makitang totoo ang Kaharian ng Diyos.

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 6

Mángangarál—Mga Ministrong Kusang-Loob na Naghahandog ng Sarili

Bakit tiwala si Jesus na magkakaroon siya ng isang hukbo na kusang-loob na mangangaral sa mga huling araw? Paano mo maipapakitang inuuna mo ang Kaharian?

KABANATA 7

Paraan ng Pangangaral—Paggamit ng Iba’t Ibang Paraan Para Maabot ang mga Tao

Alamin ang iba’t ibang paraan na ginagamit ng bayan ng Diyos para mapaabutan ng mabuting balita ang pinakamaraming tao hangga’t maaari bago dumating ang wakas.

KABANATA 8

Pantulong sa Pangangaral—Paggawa ng mga Literatura Para sa mga Tao sa Buong Daigdig

Paano pinatutunayan ng ating gawaing pagsasalin na sinusuportahan tayo ni Jesus? Anong mga bagay tungkol sa ating mga publikasyon ang nakakumbinsi sa iyo na totoo ang Kaharian?

KABANATA 9

Resulta ng Pangangaral—“Ang mga Bukid . . . ay Mapuputi Na Para sa Pag-aani”

Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang dalawang mahalagang aral tungkol sa pinakamalawak na espirituwal na pag-aani. Ano ang epekto sa atin ng mga aral na ito?