Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kaliwa: Ang huling Pasko ng pamilyang Bethel sa Brooklyn noong 1926; kanan: Napapansin ng mga tao na iba ang mga Saksi ni Jehova

SEKSIYON 3

Mga Pamantayan ng Kaharian—Hinahanap ang Katuwiran ng Diyos

Mga Pamantayan ng Kaharian—Hinahanap ang Katuwiran ng Diyos

KINAWAYAN mo ang iyong kapitbahay. Nitong nakaraan, napapansin mong madalas ka niyang pinagmamasdan at ang iyong pamilya. Kumaway rin siya at sinabi: “Puwedeng magtanong? Bakit ibang-iba kayo?” “Ano’ng ibig mong sabihin?” ang tanong mo. “Mga Saksi ni Jehova kayo, ‘di ba?” ang sabi niya. “Iba kayo. Hindi kayo katulad ng ibang relihiyon​—hindi kayo nagpa-Pasko at hindi kayo nakikisali sa politika at gera. Hindi rin kayo naninigarilyo. At parang ang dise-disente ng pamilya n’yo. Bakit ba ibang-iba kayo?”

Simple lang ang sagot: Namumuhay tayo sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos. Bilang Hari, patuloy tayong dinadalisay ni Jesus. Tinutulungan niya tayong masundan ang kaniyang mga yapak kaya kitang-kita ang kaibahan natin sa napakasamang sanlibutang ito. Sa seksiyong ito, tatalakayin natin kung paano dinadalisay ng Mesiyanikong Kaharian ang bayan ng Diyos sa espirituwal na paraan at pagdating sa mga pamantayang moral at kaayusan ng organisasyon​—lahat para sa kaluwalhatian ni Jehova.

SA SEKSIYONG ITO

KABANATA 10

Dinadalisay ng Hari sa Espirituwal ang mga Tagasunod Niya

Ano ang pagkakatulad ng Pasko at krus?

KABANATA 11

Pagdadalisay sa Moral—Ipinaaaninag ang Kabanalan ng Diyos

Mula noong 1914, nagkaroon ng pantanging kahulugan para sa bayan ng Diyos ang mga silid ng bantay at pasukang-daan sa pangitain ni Ezekiel tungkol sa templo.

KABANATA 12

Organisado Para Paglingkuran “ang Diyos ng Kapayapaan”

Sa Bibliya, ang kabaligtaran ng kaguluhan ay kapayapaan, hindi kaayusan. Bakit? At ano ang matututuhan dito ng mga Kristiyano sa ngayon?