Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Introduksiyon sa Seksiyon 1

Introduksiyon sa Seksiyon 1

Ang ulat ng Bibliya ay nagsimula sa paglalang ni Jehova ng napakaraming magagandang bagay sa langit at sa lupa. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na makita ang kahanga-hanga at sari-saring nilalang ng Diyos. Ipaliwanag na ang tao ay nilalang ng Diyos na ibang-iba kaysa sa mga hayop, kasi may kakayahan tayong magsalita, mangatuwiran, mag-imbento, umawit, at manalangin. Tulungan ang mga anak na pahalagahan ang kapangyarihan at karunungan ni Jehova lalo na ang kaniyang pag-ibig sa lahat ng kaniyang nilalang—kasama na ang bawat isa sa atin.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 1

Ginawa ng Diyos ang Langit at Lupa

Sinasabi ng Bibliya na ginawa ng Diyos ang langit at lupa. Bakit gumawa muna ang Diyos ng isang anghel bago niya ginawa ang iba pang bagay?

ARAL 2

Ginawa ng Diyos ang Unang Lalaki at Babae

Ginawa ng Diyos ang unang lalaki at babae at inilagay sila sa hardin ng Eden. Gusto niyang magkapamilya sila at gawin nilang paraiso ang buong lupa.