Introduksiyon sa Seksiyon 4
Magsisimula sa seksiyong ito ang kuwento tungkol kina Jose, Job, Moises, at sa mga Israelita. Marami silang pinagdaanang hirap dahil sa kagagawan ng Diyablo. Ang ilan sa kanila ay dumanas ng kawalang-katarungan, pagkabilanggo, pang-aalipin, at kamatayan pa nga. Pero iningatan sila ni Jehova sa iba’t ibang paraan. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na maintindihan kung paano napanatili ng mga lingkod ni Jehova ang kanilang pananampalataya kahit dumanas sila ng hirap.
Ginamit ni Jehova ang Sampung Salot para ipakitang mas makapangyarihan siya kaysa sa lahat ng diyos ng Ehipto. Idiin kung paano iningatan ni Jehova ang kaniyang bayan noon at ngayon.
SA SEKSIYONG ITO
ARAL 14
Isang Aliping Sumunod sa Diyos
Ginawa naman ni Jose ang tama, pero nagdusa pa rin siya. Bakit?
ARAL 15
Hindi Pinabayaan ni Jehova si Jose
Napalayo si Jose sa pamilya niya, pero hindi siya pinabayaan ng Diyos.
ARAL 17
Pinili ni Moises na Sambahin si Jehova
Nailigtas si Moises noong sanggol pa siya dahil sa matalinong plano ng kaniyang nanay.
ARAL 19
Ang Unang Tatlong Salot
Dahil sa kayabangan ni Paraon, ayaw nitong sundin ang utos ng Diyos, kaya nagdusa ang lahat ng Ehipsiyo.
ARAL 21
Ang Ikasampung Salot
Napakatindi ng epekto ng salot na ito kung kaya maging ang mayabang na si Paraon ay napilitang sumuko.
ARAL 22
Ang Himala sa Dagat na Pula
Buháy pa rin si Paraon pagkatapos ng 10 salot. Pero makakaligtas kaya siya sa himalang ito ng Diyos?