Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Introduksiyon sa Seksiyon 7

Introduksiyon sa Seksiyon 7

Mababasa sa seksiyong ito ang kasaysayan ni Haring Saul at ni Haring David, na inabot nang mga 80 taon. Noong umpisa, mapagpakumbaba at may takot sa Diyos si Saul, pero nagbago siya at ayaw nang sumunod sa utos ni Jehova. Itinakwil siya ni Jehova, at nang maglaon, inutusan ni Jehova si Samuel na hirangin si David bilang susunod na hari ng Israel. Dahil sa inggit, ilang beses na tinangkang patayin ni Saul si David, pero hindi ito gumanti kahit kailan. Alam ni Jonatan, anak ni Saul, na si David ang pinili ni Jehova kung kaya naging tapat siya kay David. Nakagawa si David ng malulubhang kasalanan, pero hindi niya kailanman tinanggihan ang disiplina ni Jehova. Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na makita kung gaano kahalaga ang laging pagsunod sa kaayusan ng Diyos.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 39

Ang Unang Hari ng Israel

Naglaan ang Diyos ng mga hukom sa Israel, pero gusto nila ng hari. Pinahiran ni Samuel si Saul bilang unang hari, pero inalis ni Jehova si Saul nang maglaon. Bakit?

ARAL 40

Si David at si Goliat

Si David ang pinili ni Jehova na maging susunod na hari ng Israel, at makikita kay David kung bakit siya ang pinili.

ARAL 41

Si David at si Saul

Bakit galit si Saul kay David, pero paano tumugon si David?

ARAL 42

Ang Tapat at Matapang na si Jonatan

Naging mabuting kaibigan ni David ang anak ng hari.

ARAL 43

Ang Kasalanan ni Haring David

Isang maling desisyon na naging dahilan ng maraming problema.