Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Introduksiyon sa Seksiyon 9

Introduksiyon sa Seksiyon 9

Matututuhan natin sa seksiyong ito ang tungkol sa mga kabataan, propeta, at mga hari na may matibay na pananampalataya kay Jehova. Sa Sirya, isang batang babaeng Israelita ang may pananampalatayang mapapagaling ng propeta ni Jehova si Naaman. Buo ang tiwala ni propeta Eliseo na poprotektahan siya ni Jehova mula sa kaaway na hukbo. Isinapanganib ng mataas na saserdoteng si Jehoiada ang kaniyang buhay para protektahan ang batang si Jehoas mula sa napakasamang lola nitong si Athalia. Nagtiwala si Haring Hezekias na ililigtas ni Jehova ang Jerusalem, at hindi siya natakot sa mga Asiryano. Inalis ni Haring Josias sa lupain ang lahat ng pagsamba sa mga diyos-diyusan, inayos ang templo, at inakay ang bansa pabalik sa tunay na pagsamba.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 51

Ang Mandirigma at ang Batang Babae

Sinabi ng batang Israelita sa asawa ng isang mandirigma ang tungkol sa malakas na kapangyarihan ni Jehova—na nakakagawa ng mga himala.

ARAL 52

Ang Maapoy na Hukbo ni Jehova

Nakita ng lingkod ni Eliseo na ‘mas marami ang kasama nila kaysa sa mga kasama ng kalaban.’

ARAL 53

Ang Katapangan ni Jehoiada

Nilabanan ng isang tapat na saserdote ang isang napakasamang reyna.

ARAL 54

Naging Matiisin si Jehova kay Jonas

Bakit napapunta sa tiyan ng napakalaking isda ang isang propeta ng Diyos? Paano siya nakalabas? At anong aral ang itinuro ni Jehova sa kaniya?

ARAL 55

Iniligtas ng Anghel ni Jehova si Hezekias

Sinasabi ng mga kaaway ng Juda na hindi maililigtas ni Jehova ang kaniyang bayan. Nagkakamali sila!

ARAL 56

Mahal ni Josias ang Kautusan ng Diyos

Walong taóng gulang si Josias nang maging hari siya, at tinulungan niya ang mga tao na sambahin si Jehova.