AWIT 3
Ikaw ang Aming Pag-asa at Lakas
-
1. O Jehova, sa ’mi’y ’binigay
pag-asang kay ganda.
Sa mundo’y nais sabihin,
dapat ibalita.
Ngunit sa buhay naming ito,
may pangamba’t takot din.
At itong pag-asa namin
ay parang nagdilim.
(KORO)
Ikaw ang aming pag-asa
at lakas.
Ang kulang nami’y pinunan.
Sa pangangaral ay
may lakas-loob
dahil ikaw ang sandigan.
-
2. O Ama, kami’y ’yong tulungan
na ’di malimutan,
Sa harap ng suliranin,
ika’y laging nandiyan.
Napatitibay kami nito,
ang lakas natatamo,
Nabubuhay ang pag-asa
sa ’ming mga puso.
(KORO)
Ikaw ang aming pag-asa
at lakas.
Ang kulang nami’y pinunan.
Sa pangangaral ay
may lakas-loob
dahil ikaw ang sandigan.
(Tingnan din ang Awit 72:13, 14; Kaw. 3:5, 6, 26; Jer. 17:7.)