AWIT 6
Ang Langit ay Lumuluwalhati sa Diyos
(Awit 19)
-
1. Ang langit ay sa Diyos lumul’walhati.
Ating nakikita
ang mga likha niya;
Araw-araw ay pinupuri siya.
Mga bituin nagtatanghal
ng karunungan niya.
-
2. Batas ni Jah, laan nito ay buhay.
Paalaala niya
sa atin ay gabay.
Tuntunin niya’y totoo at mat’wid,
Ang salita niya’y kay tamis,
tapat, at dalisay.
-
3. Walang hanggan ang takot kay Jehova.
Higit pa sa ginto
ang mga utos niya.
Ang pangalan niya at karangalan,
Lagi nating itatanghal,
Magpakailan pa man.
(Tingnan din ang Awit 111:9; 145:5; Apoc. 4:11.)