Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 15

Purihin ang Panganay ni Jehova!

Purihin ang Panganay ni Jehova!

(Hebreo 1:6)

  1. 1. Purihin si Kristo,

    Panganay ni Jehova.

    Ang soberanya ng Diyos,

    ’Pagbabangong-puri niya.

    Para sa katarungan

    Siya’y namamahala.

    Paghahari sa lupa,

    Dala’y pagpapala.

    (KORO)

    Sa Panganay ng Diyos

    Iukol ang papuri!

    Sa Bundok Sion ’niluklok,

    Nagsimulang maghari!

  2. 2. Purihin si Kristo,

    Para sa ’tin namatay.

    Kasalana’y pinawi

    Upang tayo’y mabuhay.

    Magaganap sa langit

    Kasal ng Kordero.

    Sa soberanya ng Diyos,

    Ito’y patotoo.

    (KORO)

    Sa Panganay ng Diyos

    Iukol ang papuri!

    Sa Bundok Sion ’niluklok,

    Nagsimulang maghari!

(Tingnan din ang Awit 2:6; 45:3, 4; Apoc. 19:8.)