AWIT 21
Patuloy na Unahin ang Kaharian
-
1. Natatangi kay Jehova
Ang kaniyang Kaharian.
Ang Anak niya’y maghahari,
Masama’y wawakasan.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At ang kaniyang kat’wiran.
Awitan siya ng papuri;
Atin siyang paglingkuran.
-
2. Bakit pa mababalisa
Kung ano’ng kakainin?
Ang Diyos ay maglalaan nga,
Kung Kaharia’y unahin.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At ang kaniyang kat’wiran.
Awitan siya ng papuri;
Atin siyang paglingkuran.
-
3. Ihayag ang Kaharian;
Sa lahat ibalita.
Ang pag-asa’y kay Jehova
At sa kaniyang Teokrasya.
(KORO)
Unahin ang Kaharian
At ang kaniyang kat’wiran.
Awitan siya ng papuri;
Atin siyang paglingkuran.
(Tingnan din ang Awit 27:14; Mat. 6:34; 10:11, 13; 1 Ped. 1:21.)