Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 23

Nagsimula Nang Mamahala si Jehova

Nagsimula Nang Mamahala si Jehova

(Apocalipsis 11:15)

  1. 1. Sa Kaharian ng Diyos,

    Naghahari si Jesus.

    Purihin siya, ang batong-panulok.

    Tayo ay magkaisa,

    Umawit at magsaya.

    Ang ating Taga-

    pagligtas ay ’niluklok.

    (KORO)

    Ano’ng magiging kalagayan

    ’Pag dumating ang Kaharian?

    Kat’wiran at kaligayahan,

    At buhay na walang hanggan.

    Purihin ang Soberano

    Sa kaniyang katapatan.

  2. 2. Dakilang araw ni Jah;

    Ito ay malapit na.

    Lumang sistema ay lilipas na.

    Dapat mangaral ngayon;

    Habang mayro’ng panahon,

    At magpasiya upang

    pumanig sa Kaniya.

    (KORO)

    Ano’ng magiging kalagayan

    ’Pag dumating ang Kaharian?

    Kat’wiran at kaligayahan,

    At buhay na walang hanggan.

    Purihin ang Soberano

    Sa kaniyang katapatan.

  3. 3. Hari nati’y maringal;

    Atin siyang minamahal.

    Sa ngalan ng Diyos dumarating siya.

    Sa templo ay maglingkod;

    Dalangin ay ihandog.

    Pamamahalaan niya

    ang buong lupa.

    (KORO)

    Ano’ng magiging kalagayan

    ’Pag dumating ang Kaharian?

    Kat’wiran at kaligayahan,

    At buhay na walang hanggan.

    Purihin ang Soberano

    Sa kaniyang katapatan.