AWIT 28
Maging Kaibigan ni Jehova
(Awit 15)
-
1. Sino’ng kaibigan mo,
O Diyos na Jehova?
Siyang pinagtitiwalaan mo;
Siya na kilala ka.
Siya na yumayakap
sa iyong Salita.
At ito ang lagi niyang gabay
sa buong buhay niya.
-
2. Sino’ng kaibigan mo,
O Diyos na Jehova?
Siyang nagpapasaya sa iyo,
Siya na ’yong kilala.
Siyang nagpapabanal
sa iyong pangalan.
Sa salita’t gawa ay tapat
at maaasahan.
-
3. Malalapitan ka
’pag mayro’ng problema.
Nadarama ang pagmamahal
at ang ’yong kalinga.
Sana’y manatili
ang pagkakaibigan.
Wala nang hihigit pa sa ’yo,
Mahal kong Kaibigan.
(Tingnan din ang Awit 139:1; 1 Ped. 5:6, 7.)