Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 32

Pumanig kay Jehova!

Pumanig kay Jehova!

(Exodo 32:26)

  1. 1. No’ng una tayo’y naguguluhan

    Sa turong may kasinungalingan.

    Nang matuto tungkol sa Kaharian,

    Puso’y naliwanagan.

    (KORO)

    Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.

    Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.

    Ating ibalitang ang Kaharian

    ay magdudulot ng kapayapaan.

  2. 2. Naglilingkuran nang balikatan

    Sa pangangaral ng Kaharian.

    Panahon na para pagpasiyahan,

    Sa Diyos ay manindigan.

    (KORO)

    Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.

    Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.

    Ating ibalitang ang Kaharian

    ay magdudulot ng kapayapaan.

  3. 3. Ang Diyablo’y ’di dapat katakutan,

    Dahil si Jehova ang kanlungan.

    Marami man ang ating kalaban,

    Diyos ang siyang kalakasan.

    (KORO)

    Panig kay Jehova; Siya’ng kagalakan.

    Hindi ka iiwan; Tanglaw niya’y sundan.

    Ating ibalitang ang Kaharian

    ay magdudulot ng kapayapaan.