AWIT 42
Ang Panalangin ng Lingkod ng Diyos
-
1. O Jehova, banal ang ’yong ngalan,
Dakila at dapat na papurihan.
Matutupad ang ’yong layunin.
O Diyos, aming idinadalangin:
Kaharian mo’y dumating,
Pagpapala’y kakamtin.
-
2. Salamat po sa ’yong pagpapala;
Araw-araw, regalo mo’y sagana.
Buhay namin ay galing sa ’yo.
Karunungan ay ’nilalaan mo.
Salamat po sa lahat,
Papuri’y nararapat.
-
3. Sa mundong ’to, mayro’ng kahirapan.
Laan mo ay pag-asa’t kaaliwan.
Ama, kami’y ’yong patibayin.
Ihahagis sa ’yo ang pasanin.
Kami po’y tulungan mo
Na sundin ang nais mo.
(Tingnan din ang Awit 36:9; 50:14; Juan 16:33; Sant. 1:5.)