AWIT 50
Ang Aking Panalangin ng Pag-aalay
-
1. Puso ko’y iaalay;
Iibigin kang tunay.
Tinig ko’y alay ko rin;
Papuri’y aawitin.
-
2. Mga paa ko’t kamay,
Sa paglilingkod alay.
Kahit pilak ko’t ginto
ay ibibigay sa ’yo.
-
3. Buhay ko’y para sa ’yo;
Gagawin ang nais mo.
Sana ay kalugdan mo,
Salita at kilos ko.
(Tingnan din ang Awit 40:8; Juan 8:29; 2 Cor. 10:5.)