Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 64

May-kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani

May-kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani

(Mateo 13:1-23)

  1. 1. Panahon na ng pag-aani,

    Pribilehiyo para sa ’tin.

    Masdan ngayon ang mga bukid,

    Handa na para anihin.

    Si Kristo ang ating huwaran,

    Nangunguna sa gawain.

    Dulot sa atin ay kagalakan,

    Sa ani may bahagi rin.

  2. 2. Pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa

    Ang nag-uudyok sa atin.

    Pangangaral ay apurahan,

    Dahil wakas dumarating.

    Isang tunay na pagpapala,

    Kagalakang natatamo.

    Magmatiyaga tayo sa gawain

    Hanggang sa matapos ito.