AWIT 66
Ihayag ang Mabuting Balita
-
1. Lihim ng Kaharian noo’y nakakubli.
Ngayo’y hayag na ang ’pinangakong Hari.
Dahil sa awa’t kat’wiran ni Jehova,
Makasalanang tao ay nilingap niya.
Anak niya ang maghahari sa Kaharian;
Sa takdang panahon Kaharia’y
isisilang.
Kaniyang Anak ay bibigyan ng ’sang nobya;
Munting kawan ang napiling kasama niya.
-
2. Mabuting balitang ito’y inihula.
Ngayo’y nais ng Diyos malaman ng madla.
Mga anghel dito ay may bahagi rin,
Sila’y pumapatnubay sa ’ting gawain.
Ito’y ating tungkulin at karangalan,
Bilang kaniyang Saksi,
ang Diyos ay papurihan.
Pangalan niya’y karangalan nating dalhin.
Mabuting balita ay ihayag natin.
(Tingnan din ang Mar. 4:11; Gawa 5:31; 1 Cor. 2:1, 7.)