AWIT 70
Hanapin ang mga Karapat-dapat
-
1. ’Tinuro ni Kristo ang dapat gawin
Kapag tayo’y nangangaral:
‘Hanapin ang mga karapat-dapat,
Nagugutom sa espirituwal.
Ang sambahayan ay inyong batiin;
Magbigay ng kapayapaan.
Kapag tumanggi at ayaw makinig,
Ipagpag ang paa’t lumisan.’
-
2. ’Pag tinanggap ka ay tinanggap din siya;
Tulungan ang puso nila.
Wastong nakaayon para sa buhay,
Maglilingkod na kasama ka.
Huwag mabahala sa ’yong sasabihin,
Si Jehova’y tutulong sa ’yo.
Kapag ang sagot mo’y may timplang asin,
Maamo ay maaantig mo.
(Tingnan din ang Gawa 13:48; 16:14; Col. 4:6.)