AWIT 72
Inihahayag ang Katotohanan ng Kaharian
-
1. Dati’y hindi natin alam
Landas na dapat lakaran.
Ngunit Diyos inilaan
Sa ’tin ang katotohanan.
Kalooban ni Jehova,
Malinaw nating nakita,
Ihayag ang Kaharian,
Pabanalin ang kaniyang pangalan.
Tayo ngayo’y nangangaral
Sa lansangan at tahanan;
Nagtuturo nang may tiyaga
Nang ang tao ay lumaya.
Habang tayo’y nagsisikap
Na mensahe’y lumaganap,
Tayo ay magkaisa
Hanggang sa gawai’y matapos na.
(Tingnan din ang Jos. 9:9; Isa. 24:15; Juan 8:12, 32.)